Opisyal nang inilunsad ng pamahalaan ang Phase 1 ng National Fiber Backbone para mapadali ang malawakang pag-access sa internet.
Tinatayang nasa 14 na lalawigan sa bansa ang makikinabang sa nasabing proyekto.
Kabilang din sa makikinabang sa National Fiber Backbone ang Metro Manila, apat na BCDA eco-zones, at dalawang national government data centers.
Sa ilalim ng National Fiber Backbone project ay mapapabilis ang digital infrastructure at maisakatuparan ang target na maging fully connected na ang bansa.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglulunsad ng Pambansang Fiber Backbone ngayong umaga, sa Sofitel sa Pasay City.
Ayon kay Pangulong Marcos, isa itong makabuluhang proyekto at bahagi ng tagumpay sa ilalim ng Bagong Pilipinas na nagsusulong din ng komprehensibong istratehiya tungo sa economic at social tansformation.