Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Food Authority (NFA) ang umano’y pekeng bigas sa bansa.
Kasunod ito ng pagkalat ng isang video na nagpapakita ng pekeng kanin na umano’y may halong plastik.
Pero ayon kay NFA spokesperson Marietta Ablaza – walang dapat ikabahala ang publiko dahil hindi totoo ang fake rice.
Dagdag pa ni Ablaza, noon pa man ay ilang beses nang napaulat na may fake rice pero wala ni isa sa mga ito ang napatunayan.
Wala pang binubuong task force ang NFA para rito dahil konti pa lang anila ang nagrereklamo.
Gayunman, kinolekta na nila ang mga sample ng sinasabing fake rice para imbestigahan.
Sa susunod na linggo malalaman ang resulta ng imbestigasyon.
Facebook Comments