National Food Authority, nakukulangan na ng suplay ng buffer o emergency stock

Manila, Philippines – Nilimitahan ng National Food Authority (NFA) ang pagbibigay ng bigas sa kanilang mga retailer matapos bumaba ang buffer o emergency stock.

Ito’y dahil mag-uumpisa na ngayong araw ang panahong magiging matamlay ang pag-ani ng palay o lean season.

Ayon kay NFA Spokesperson Mayette Ablaza – tatagal na lamang ng hanggang limang araw ang suplay ng NFA rice sa kanilang mga warehouse sa buong bansa.


Aniya, sa katapusan pa ng Hulyo darating ang inangkat na bigas na tatagal lamang ng pitong araw.

Pero nilinaw naman ni Ablaza – hindi naman lahat ng kanilang warehouse ay maghihigpit ng suplay.

Katwiran pa ni Ablaza – hindi naman nababawasan ang buffer stock ng NFA rice dahil hindi naman lahat ng tao ay ito ang kinokonsumo.

Samantala, inaayos na ng NFP ang pagpoproseso sa aangkating 250,000 metric tons na bigas.

Facebook Comments