Suspek sa pagmasaker sa limang magkakamag-anak sa San Jose Del Monte, Bulacan; Binawi ang mga nauna nitong pahayag

Bulacan – Binawi ng suspek sa pagmasaker sa limang magkakamag-anak sa San Jose Del Monte, Bulacan ang mga naunang pahayag nito.

Nabatid na inamin ng suspek na si Carmelino Ibañes – sinaksak nito at ginahasa sina Auring at Estrella Carlos na siyang biyenan at asawa ng padre de pamilya na si Dexter Carlos.

Aniya, nakisaksak lamang siya para patayin ang biyenan pero itinanggi nito na may ginahasa siya.


Paliwanag ng suspek – nalito lamang siya sa dami ng tanong.

Ayon kay San Jose Del Monte Chief, Supt. Fitz Macariola – normal lamang ang papalit-palit na pahayag ng suspek.

Samantala, lumabas na ang medico legal report ng mga babaeng biktima pero hindi muna ito isasapubliko.

Facebook Comments