National gov’t spending, bumilis!

Bumilis ang national government spending o paggastos ng pamahalaan para ipatupad ang mga proyekto noong Hulyo ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Tumaas ng 11.3 billion pesos ang pagbabayad ng pamahalaan sa operasyon, programa at proyekto ng iba’t-ibang ahensya.

Iginiit ng NEDA na kailangang madaliin ng mga ahensya ang spending upang makabawi sa paglago ng ekonomiya matapos ma-delay ang pagkakapasa ng 2019 national budget.


Facebook Comments