NATIONAL HERITAGE MONTH | Commemorative stamps ng mga lumang simbahan, inilabas ng PHLPost

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heritage Month, inilabas ngayon ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang ang commemorative stamps o mga selyo na naglalarawan ng mga lumang simbahan sa bansa na mahigit apat na siglo nang bahagi ng kultura ng mga Pilipino.

Ang mga naturang Pambansang Pamana sa mayabong na kultura at kasaysayan ng Kristiyanismo sa bansa ay itinayo sa panahon ng mga Kastila na nanatiling nakatayo hanggang sa kasalukuyan.

May mga pagsisikap na mapangalagaan ang mga dambanang tulad ng pagsasawa ng mga exhibit at mga programang magbibigay kamalayan sa pambihira at mga hindi mapapalitang eklesiyastikong mga dambana.


Ayon kay Postmaster General Joel Otarra, katuwang ng PHLPost ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at FUNtastic Philippines, isang grupo ng mga Amateur at Professional Photographers na nagmula sa iba’t-ibang lugar sa bansa at sa ibayong dagat na nagtulung-tulong upang maipakita ang natatanging ganda at arkitektura ng mga “Philippine Colonial Churches” na idinesinyo at inilagay sa selyo na maituturing na tagapagtala ng sining at kultura ng bansa.

Facebook Comments