*Angadanan, Isabela- *Nilinaw ni ANAC-IP Partylist Representative Jose “Bentot” Panganiban na hindi umano naging basehan ang National Highway sa Redistricting ng lalawigan ng Isabela.
Aniya, isa sa naging batayan sa pagdadagdag sa distrito ng Isabela ay ang dami ng populasyon nito at dahil sa ilang dikit dikit na umanong mga bahay.
Nasa mahigit kumulang na 1.5 milyon na umano ang populasyon ng lalawiagn ng Isabela at maaari umanong gawin ang isang distrito kung mayroon itong 250 libong populasyon.
Kaugnay nito ay magkakaroon na rin umano ng bagong National Highway ang mga bayan na nasa isang distrito upang pagkonektahin ang mga ito.
Nilinaw pa ng Congressman na hindi naging batayan ang Pambansang Lansangan upang pagsamahin ang mga bayan sa isang distrito bagkus ay dahil sa koneksyon ng mga ito sa iba’t-ibang bayan.
Samantala, Pagdating naman sa pulital na aspeto ay magiging anim na ang regular na kinatawan sa House of Representatives at magkakaroon na rin ng karagdagang pondo ang Isabela mula sa pamahalaan para sa dalawang nadagdag na distrito.