MANILA – May paglilinaw ngayon ang National Housing Authority kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na libreng pabahay sa mga nasalanta ng dalawang pinaka-mapaminsalang bagyo na dumaan sa bansa.Sa interview ng RMN kay NHA Spokesperson Elsie Trinidad – nilinaw nito na bagamat walang babayaran ang mga survivors ng bagyong pablo at yolanda para sa kanilang relocation houses, hindi naman libreng ang lupang tatayuan ng kanilang mga bahay.Una nang sinabi ni Pangulong Duterte sa pagdalo sa national housing summit sa Quezon City noong Miyerkules na hanggat siya ang pangulo ng bansa ay walang babayarang ang mga typhoon survivors para sa kanilang relocation houses.Samantala, kasunod ng pagdaraos ng national housing summit, sinabi ni Trinidad na isa sa mga repormang ipatutupad ngayon ng nha ay ang pagpapa-igting ng on-site development para sa mga informal settlers sa bansa.Batay sa datus ng NHA – aabot sa 5.5 million bahay ang kinakailangan ngayon sa bansa upang matungunan ang problema sa informal settlers.
National Housing Authority – May Paglilinaw Kasunod Ng Pagbibigay Ni Pangulong Rodrigo Duterte Na Libreng Pabahay Sa Mga
Facebook Comments