National ID, hindi dapat gamitin sa diskriminasyon – ayon kay Senator Bam Aquino

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Bam Aquino na ang national ID system ay dapat gamitin para sa mga serbisyong gobyerno at itaguyod ang kaligtasan at hindi para sa diskriminasyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Senator Bam kasunod ng ulat na plano ng ilang Local Government Units o LGUs na magbigay ng ID sa mga Muslim lang sa kanilang lugar para makatulong sa pagkilala sa mga indibidwal na may kaugnayan sa mga teroristang grupo.

Ang nabanggit na plano ng ilang LGUs ay sinuportahan umano ng Dept. of Interior and Local Govt. at ni Philippine National Police Chief Gen. Ronald Bato Dela Rosa.


Diii ni Senator Aquino, dapat gamitin ng tama ang ID system, para protektahan at bigyan ng mga benepisyo ang Pilipino at huwag para apihin ang ibang sektor.

Paliwanag pa ni Aquino, tiyak lilikha ng pagkakawatak watak sa mga pilipino ang pagbibigay ng ID sa mga Muslim bilang pagturing sa kanilang na potential threat o banta sa seguridad na bawat komunidad.

“Singling Muslims out, giving them an ID and branding them as a potential threat will not make our communities safer. It will only sow animosity,” giit ni Senator Bam.

Facebook Comments