NATIONAL ID MOBILE REGISTRATION, ISINASAGAWA SA BAYAN NG ECHAGUE

CAUAYAN CITY- Tuluy-tuloy ang isinasagawang National ID Mobile Registration ng Philippine Statistics Authority sa bayan ng Echague, probinsiya ng Isabela.

Ang naturang pagpaparehistro ay bukas para sa mga edad lima pataas.

Kabilang sa mga natapos ng barangay ay ang Brgy. Garit Norte at Garit Sur habang magaganap naman ang mga susunod na registration sa Brgy. San Antonio Minit, San Manuel, at Sta. Maria.


Samantala, kinakailangan lamang na magdala ng kaukulang dokumento ang mga magpaparehistro katulad ng kahit anong ID na tama ang information at may birthday at hindi pa expired, Birth Certificate Original, Employee ID, Passport, at Brgy. Clearance with picture.

Facebook Comments