Manila, Philippines – Naniniwala si Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na napapanahon na ang pagsusulong ng National ID System para mapalakas pa ang pagtiyak ng seguridad ng bansa laban sa terorismo.
Ayon kay Padilla sa briefing sa Malacanang, isa ito sa kanilang rekomendasyon sa pagamiyenda sa National Security Act kung saan iisang ahensiya lamang ang pagkakatiwalaang magbigay nito sa publiko.
Sa pamamagitan aniya ng National ID system ay makikita na ang tunay na pagkakakilanlan sa isang tao at possible din itong gamitin sa mga transaksyon at hindi na kailangan pa ng marami pang ID Cards.
Kabilang din aniya sa kanilang rekomendasyon sa amendments ng National Security Act ay ang kapangyarihan na humarang ng kahinahinalang personalidad na papasok sa ating bansa at ikulong hanggang hindi napatutunayang wala itong kaso o kinaaaniban na teroristang grupo o anomang grupo na posibleng manggulo sa bansa.
National ID System, dapat maisama sa pag-amiyenda sa Human Security Act ayon sa AFP
Facebook Comments