Naniniwala si Senador Imee Marcos na malaki ang maitutulong ng national ID system para sa mabilis na pagkontrol sa anumang uri mga epidemya o mga public emergency sa bansa tulad ng Novel Coronavirus (nCoV).
Ayon kay Marcos, sa national ID system ay bibilis ang data-sharing at koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa pagtunton at pagtukoy sa mga tinatamaan ng nCoV.
Mungkahi ito ni marcos ay sa harap ng mabagal na contract tracing ng Department of Health (DOH) sa mga nakahalubilo sa eroplano ng dalawang naunang nagpositibo sa nCoV sa bansa.
Diin ni marcos, ang national ID system ay isang digital information backbone na ginagamit ngayon para habulin ang paglaganap ng nCoV sa Wuhan at sa buong China.
Kaya apela ni Marcos sa mga kritiko ng national ID system, tanggapin na ang kagandahan ng sistemang ito para sa kapakinabangan ng publiko at huwag nang kontrahin para sa pansariling dahilan.