NATIONAL ID SYSTEM | Pagsasabatas, siniguro

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Panfilo Ping Lacson na maipapasa sa unang bahagi ng taong 2018 ang panukalang National Identification System.

Malakas ang kumpiyansa ni Lacson na ito ay maisasakatuparan lalo pa at buo din ang suporta dito ng Duterte administration.

Ayon kay Lacson, mahalagang maipatupad na ang ID system sa Pilipinas sa lalong madaling panahon dahil umiiral na ito sa halos lahat ng bansa.


Diin ni Lacson, makatutulong ang ID system sa pagkakaloob ng serbisyo sa publiko at pagpapadali ng transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno at mga pribadong institusyon tulad sa mga bangko.

Dagdag pa ni Lacson, kalasag din ito laban sa kriminalidad.
Sa panukala ni Lacson ay hindi mandatory o sapilitan ang pagkuha ng National ID at mga impormasyong lalamanin nito ay katulad din ng detalyeng nakasaad sa kasalukuyang government-issued IDs.

Posible din aniyang abutin ng limang taon bago mabigyan ng National ID ang lahat ng mga Pilipino depende sa sistema o teknolohiyang gagamitin.

Facebook Comments