Monday, February 16, 2026

NATIONAL INTELLECTUAL DISABILITY WEEK, GINUNITA SA ALAMINOS CITY

Ginunita sa Alaminos City ang National Intellectual Disability Week alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1385 na nagtatakda ng pagdiriwang nito tuwing Pebrero 14 hanggang 20.

Kaisa ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at Persons with Disability Affairs Office, sa pagsusulong ng temang “Ginintuang Ani ng Pag-ibig Tungo sa Matagumpay at Tunay na Inklusyon.”

Layunin ng paggunita na itaas ang kamalayan ng publiko, maiwasan ang diskriminasyon, at maisulong ang tunay na inklusibong lipunan para sa mga taong may intelektwal na kapansanan.

Facebook Comments