Balak muling dipensahan ng Santiago City ang titulo ng kanilang pagiging kampeon sa National Literacy Award sa buong bansa.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Mayor Joseph S. Tan sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.
Aniya, ngayong taon ay lalo pang pagsisikapan ng pamahalaang lokal ng Santiago na mabawasan ang bilang ng mga hindi marunong bumasa’t sumulat sa lungsod.
Matapos maiuwi ng lungsod ng Santiago ang National Literacy Award noong nakaraang taon ay dadagdagan pa aniya nila ang kanilang pagsisikap upang muli itong masungkit ngayong 2019.
Ayon pa sa alkalde, bagamat marami pang kakaharaping pagsubok ang Santiago City sa paglipas ng mga buwan ay kampante itong malalagpasan parin at magtatagumpay basta’t mananatili ang pagtutulungan at pagsasama sama ng bawat isa.