Natanggap na ng National Museum of the Philippines ang kanilang bahagi ng Orconuma Meteorite na bumagsak noong March 7, 2011 sa bahagi ng Orconuma sa Bongabong, Oriental Mindoro.
Ayon sa pamunuan ng Pambansang Museo, may bigat itong higit 160 gramo at ang kauna-unahang meteorite na magiging bahagi ng kanilang National Geological at Paloentological Collection.
Mababatid na ang buong meteorite ay may bigat na 7.8 kilograms at natagpuan ng tatlong magsasaka sa isang sakahan.
Ang Orconuma Meteorite ay isa sa anim na meteorites na mula sa Pilipinas at ayon sa Bulletin Database ng Meteoritical Society ay pinaniniwalaan itong isa sa mga solid materials na nabuo 4.6 bilyong taon na ang nakalilipas.
Facebook Comments