Bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, bumaba sa 769 kahapon

75

Bumaba sa 769 ang naitalang kaso ng bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region kahapon matapos makapagtala ng 838 kamakalawa.

Batay sa datos ng Department of Health, tanging Quezon City at Lungsod ng Maynila na lamang ang mga lugar sa NCR na nasa higit 100 ang bagong kaso na nasa 156 at 103.

Narito naman ang naitalang kaso ng sakit iba pang bahagi ng rehiyon:


Makati at Parañaque – 78
Taguig – 62
Pasig – 52
Pasay – 47
Las Piñas – 44
Mandaluyong – 31
Muntinlupa – 29
Valenzuela – 26
San Juan – 23
Caloocan – 19
Marikina – 13
Malabon – 5
Navotas – 2

Samantala, walang naitalang bagong kaso ng COVID sa Pateros.

Facebook Comments