Hinihimok ng National Nutrition Council (NNC) ang mga lokal na pamahalaan na maglaan ng pondo para sa Tutok Kainan supplementary feeding program ng pamahalan na partikular na nakalaan sa mga buntis at mga bata na 6-23 months old.
Pahayag ito ni Nutrition Information and Education Division Chief Jovita Raval sa harap ng mga feeding programs na ipinatutupad ng gobyerno, kabilang na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Education (DepEd).
Aniya, prayoridad ng NNC na makapagbigay ng angkop na nutrisyon sa unang 1,000 araw ng mga bata para maiwasan ang pagkabansot sa height at sa utak ng mga ito.
Dagdag pa ng opisyal na kung malnourished ang mga bata sa unang dalawang taon nito, mahirap na aniyang mahabol ito.
Facebook Comments