Kasabay ng pagsimula ng ika-45 nutrition month ngayong unang araw ng Hulyo, inilunsad ng National Nutrition Council o NNC ang kanilang programa, para magabayan ang bawat pilipino sa kanilang kalusugan.
Ang temang “kumain ng wasto at maging aktibo. Push natin ‘to!!! Ay isang paraan ng NNC para ipanawagan sa bawat Pilipino na kumain ng wasto at maging aktibo kung saan isinagawa nila ang aktibidad sa Santa Rosa City Complex sa Laguna.
Ito’ y upang maiwasan ang pagiging obese o sobtang katabaan at mga non-communicable diseases tulad ng cancer, diabetes at sakit sa puso.
Nabatid kasi sa isinagawang expanded national nutrition survey, 37.1 percent sa mga pinoy ay overweight at obese na at 11.6 percent sa mga ito ay pawang mga kabataan at 11.7 percent naman ay mga bata pa na may edad na anim hanggang sampung taong gulang.
Layunin din ng programa ng NNC na pagtuunan ng bawat pinoy ang kanilang kalusugan at magkaroon sila ng wastong ehersisyo.