National Parent Teachers Association of the Philippines, isinusulong ang E-learning para sa mga estudyante ngayong pasukan!

Nagsumite na sa Department of Education (DepEd) ang samahan ng mga magulang at guro sa bansa ng kanilang posisyon kaugnay sa pasukan ng mga estudyante sa Agosto 24, 2020 sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila kay National Parent Teachers Association of the Philippines Treasurer Rannie Robles, laman ng petisyon ang saloobin ng mga magulang kung saan karamihan sa mga ito ay mas gusto ang pagpapatupad ng E-learning system para sa kanilang mga anak, na mas ligtas kaysa sa face-to-face.

Ngunit aminado si Robles na may mga magulang na walang kakayahan na bumili ng gadgets o magpakabit ng internet lalo na sa panahon na nahaharap sa krisis ang bansa.


Kaya naman, ipinanukala ng grupo sa pamahalaan ang paggawa ng mga self-learning modules para sa mga estudyante.

Facebook Comments