National Police Clearance bilang requirement sa labor transactions, sinopla ni Sec. Bello

Ibinasura ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukala ng Philippine National Police (PNP) nag gawing requirement sa iba’t ibang labor transactions ang National Police Clearance (NPC).

Katwiran ni Labor Secretary Silvestre Bello III, bagamat maganda ang intensyon ng PNP ay maituturing pa rin itong isang uri ng red tape at dagdag na pasanin ito sa nakararami.

Nasa 94-porsyento ng mga employer at mga manggagawa ang hindi pabor na gawing requirement sa DOLE transactions ang NPC.


Bukod dito, hindi ito nakalinya sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2019 at Executive Order 129.

Sa kabila nito, pinuri ng DOLE ang PNP sa pagsusulong ng public safety.

Facebook Comments