National Press Club at PNP naglunsad LTOPF Caravan.

Umaksyon na kaagad ang National Press Club (NPC) upang matulungan ang mga miyembro nito na maging legal ang pagmamay-ari ng mga baril.

Tinawag na NPC License to Own and Possess Firearm (LTOPF) Caravan, katuwang ng Press Club si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtulong sa mga miyembro ng Media na mapadali ang pagkuha ng lisensiya sa baril.

Bukod sa miyembro ng media, maaari ring mag-avail sa LTOPF Caravan ang mga gun enthusiast, mga miyembro ng ibang organisasyon, mga opisyal at kawani sa mga ahensiya ng pamahalaan.


Kabilang sa proseso ang pagsalang sa drug test, neuro test at kailangan din ang police clearance.

Tatagal ang Caravan hanggang mamayang hapon.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni NPC President Paul Gutierrez ang mga mamamahayag na mag-avail ng pinadaling LTOPF caravan sa NPC.

Ang LTOPF Caravan ay bahagi ng isang buwang aktibidad ng NPC na nagdiriwang ng ika-69 na anibersaryo na may temang “Strong and Resilient @69”.

Facebook Comments