National Press Club, pinagso-sorry si Environment Secretary Gina Lopez dahil sa ginawa nitong pagmumura sa isang reporter

56

Manila, Philippines – Pinagso-sorry ng National Press Club (NPC) si Environment Secretary Gina Lopez dahil sa ginawa nitong pagmumura sa isang reporter.

Ayon kay NPC Director Joe Torres – pang-iinsulto at banta sa karapatan sa malayang pamamahayag sa bansa ang ginawa ng kalihim.

Noong Huwebes, minura umano ni Lopez ang mamamahayag ng business world na si Janina Lim na noo’y humihingi lang ng paglilinaw ukol sa memorandum ng kalihim na nag-aatas sa mga suspendidong mining firms na magbigay ng 2-milyong pisong trust fund para sa paglilinis ng kanilang minahan.
Nation”

Facebook Comments