NBI, gagamit ng lie-detector test para sa mga taong sangkot sa maanomalyang P74-milyong printing job contract ng National Printing Office

32

Manila, Philippines – Gagamit ng lie-detector test ang National Bureau of Investigation para sa mga taong sangkot sa maanomalyang P74-milyong printing job contract ng National Printing Office (npo) para sa Social Security System o SSS.

Ayon kay NBI Anti-Fraud Division head na si Atty. Irvin Garcia, gagawin nila ang lahat para malaman ang totoong kuwento sa likod ng maanomalyang transaksiyon.

Matatandaang ang diumano’y NPO-SSS scam ay una nang inimbestigahan ni Presidential Communications Operations Office’s Legal Affairs Office sa pangunguna ni Secretary Martin Andanar.
Nation”

Facebook Comments