National Press Club, umaasang masusunod ang Code of Ethics ng mga mamahayag ng mga vloggers

Umaasa ang National Press Club na magiging responsableng miyembro ng press ang mga vloggers and Online Broadcaster.

Ito ang naging tugon ni National Press Club Sec. Paul Gutierrez sa naging pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Designate Atty. Trixie Cruz-Angeles na pagbibigay ng access sa mga vloggers para sa mga press briefing sa Malacañang.

Ayon kay Gutierrez, suportado nila ang plano ni Angeles at sa katunayan ay isa ang National Privacy Commission (NPC) sa mga nagtulak para mabuo ang Philippine Online Broadcasters Association (POBA).


Hangad kasi ni Gutierrez na mabigyan ng pagkakataon ang mga vloggers na makakober sa isang pulong balitaan na isinasagawa ng pamahalaan o ng mga sangay ng gobyerno.

Dahil dito ay umaasa si Gutierrez na magiging gabay ng mga vloggers ang Code of Ethics ng NPC tungo sa responsableng pamamahayag.

Facebook Comments