Daan-daang trabaho, naipamahagi ng Taguig LGU

51

Ibinida ng lokal na pamahalaan ng Taguig na daan-daang libong indibidwal na ang nabigyan ng trabaho sa mga ikinasang Job Fair sa lungsod.

Ayon sa City government, 174,340 applicants ang na-hire sa job fair habang 18,125 ang sumailalim sa business training sa pamamagitan ng Taguig Manpower Training Center.

Layon umano ng Local Government Unit (LGU) na itaguyod ang pantay-pantay na oportunidad para sa lahat ng residente lalo na ang mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic gayundin ang pagtulong sa mga negosyo na maghanap ng kwalipikadong empleyado.


Ayon sa LGU tuloy-tuloy ang Job Fair sa Taguig at sa katunayan ay mayroong ikinasa sa June 8, 22 at 29 sa Upper Bicutan, Maharlika at Simbayanan ni Maria.

Samantala, isang Mega Job Fair naman ang nakatakdang isagawa sa Vista Mall Tuktukan sa Independence Day sa June 12.

Facebook Comments