Nakatakdang isagawa ang National Rally for Peace sa pangunguna ng Iglesia ni Cristo (INC) sa darating na January 13, 2025 sa Metro Vigan, Vigan City, Ilocos Sur.
Alinsunod dito, sa bisa ng nilagdaang Executive Order No. 01, series of 2025 ni Ilocos Sur Gov. Jerry Singson, idineklara ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, parehong pampubliko at pribadong mga paaralan na sakop ng lalawigan.
Kaakibat nito ang pagkansela rin ng trabaho sa mga government offices sa nasabing araw. Inaasahang dadaluhan ng libo-libong mga delegado mula sa Iglesia ni Cristo ang naturang pagtitipon na may layong mahikayat ang bawat mamamayang Pilipino pagdating sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakaisa ng bayan.
Naabisuhan na rin ang ilang departamento na tututok sa magiging sitwasyon sa gaganaping rally. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨