Friday, February 27, 2026

National Security Adviser Año, magsasampa ng kaso matapos isabit ng 18 ex-marines sa isyu ng katiwalian

Magsasampa ng kaso si National Security Adviser Secretary Eduardo Año laban sa mga nag-akusa sa kaniya ng katiwalian.

Nabatid na napabilang ang kanyang pangalan sa mga sinabi ng 18 nagpakilalang dating miyembro umano ng Philippine Marine Corps na nakatanggap ng paper bag na may lamang pera mula kay dating Congressman Zaldy Co.

Ayon kay Año, hindi totoo ang mga binibintang sa kanya lalo na at napakarami ring inconsistency sa mga pahayag ng mga nasabing ex-marines.

Dagdag pa ng kalihim, hindi nito ugaling tumanggap ng pera kaninuman lalo’t mahigpit niyang pinaiiral ang “no take at no gift’ policy noong siya’y kalihim pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bwelta pa nya, sana ay inayos ng mga ito ang kanilang script laban sa kanya.

Facebook Comments