National Security Council, dapat i-convene kaugnay sa Recto Bank incident

Para kay Senator Richard Gordon, mahalaga na pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagconvene sa National Security Council o NSC upang mailatag ang nararapat na kongkretong hakbang ng Pilipinas.

 

kaugnay ito sa pagbangga ng Chinese vessel sa isang fishing boat sa Recto bank kung saan inabandona nila ang mga sakay nitong pilipinong mangingisda.

 

Ayon kay Gordon, sa pulong ng NSC ay tatalakayin din ang presensya ng mga foreign vessels sa karagatang sakop ng ating teritoryo o exclusive economic zone o EEZ.


 

Kasabay nito ay iginiit din ni Gordon na huwag ng magsalita ang mga miyembro ng gabinete na walang kinalaman sa incidente para hindi maging magulo ang sitwasyon.

 

Ipinaliwanag ni Gordon, na mahalaga na magkaroon tayo ng nagkakaisang posisyon para mapanagot ang China dahil kung hindi ay tayo ang magiging talunan.

Facebook Comments