Mga Iligal na Kahoy, Narekober ng mga Otoridad!

*San Mariano, Isabela -* Narekober sa isinagawang anti-illegal logging operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP San Mariano at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang mga bulto ng iligal na punong-kahoy sa Brgy. Dicamay, San Mariano, Isabela.

Sa estima ng MENRO San Mariano, narekober ang 1,200 board ft. na abandonang kahoy na pinutol sa forest region na nasasakupan ng bayan ng San Mariano.

Nasa kustodiya na ng PNP San Mariano ang mga narekober na kahoy para sa karagdagang imbestigasyon at pag-tuntun sa mga nasa likod ng nasabing illegal logging.


Facebook Comments