Nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na nakasalalay sa Anti-Terrorism Council (ATC) ang pagpapasya kung ang isang tao ay terorista o miyembro ng isang terrorist organization.
Kaugnay ito ng katanungan kung gaano kasiguradong hindi maaabuso ang probisyon sa Anti-Terrorism Bill sa mga pinaghihinalaang terorista.
Ayon kay Esperon, magsasagawa muna ng proscription para malaman kung ang isang tao o grupo ay sangkot sa terorismo tulad na lamang ng Abu Sayyaf.
Maliban dito, ang ATC rin aniya ang magbibigay ng abiso kung maaaring mag-apply ng surveillance sa isang tao o grupo pagkatapos ng proscription.
Facebook Comments