Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan kasama ang mga Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs pati na ang mga local na pamahalaan na sumunod sa National Security Policy 2017-2022 na binuo ng administrasyong Duterte.
Base sa inilabas na Executive Order number 16 na nilagdaan ni Pangulong Rodrido Duterte nitong April 4, ay inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan mula national hanggang local na makipagugnayan sa Office of the National Security Adviser para sa pagpapatupad ng NSP at ibase ang kanilang Security Plan dito.
Layon nitong gawing iisa ang National Security Efforts ng Government Agencies upang matiyak na ito ay sumasabay sa inilatag na development goals ng pamahalaan o ang ambisyon natin 2040.
Samantala, dineklara naman ni Pangulong Duterte ang buwan ng Abril bilang National Intellectual Property Month sa bisa ng Proclamation #190 na nilagdaan ng Pangulo.
Nation”