Inaprubahan na ng China ang National Security Law ng Hong Kong sa kabila ng posibilidad na magdulot ito ng panibagong kaguluhan sa nasabing rehiyon.
Sa ilalim ng bagong panukala, nakapaloob ang apat na criminal acts na magsisilbing banta sa nasabing batas.
Maliban dito, papayagan din ang China na magtayo ng ahensya sa loob ng naturang semi-autonomous territory at magkaroon ng kapangyarihan ang chief executive ng lungsod na mamili ng hurado na mangangasiwa sa national security cases.
Hinala ngayon ng karamihan na kaya raw pinipilit isulong ito ay dahil sa gaganapin na local elections sa Setyembre.
Facebook Comments