Inihayag ng pamunuan ng Sto. Tomas Government na bukas na ang Padre Pio Parish and National Shrine sa Santo Tomas,Batangas para sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Aton kay Illuminado Bathan Head ng General Services Office nagsisilbing Evacuation Center ngayon ang Parokya at Pambansang Dambana ni Sto. Padre Pio.
Sa kasalukuyan aniya ay, nangangailangan ang mga evacuees ng mga sumusunod:
- Tsinelas
- Kumot
- Banig/Kutson
- Unan
- Toothbrush
- Sanitary Napkin
- Adult and Baby Diaper (M, L, XL)
- Bagong Underwear
Dagdag pa ni Bathan para sa tulong at donasyon magsadya lamang sa Parish and National Shrine of Saint Padre Pio, na matatagpuan sa Barangay San Pedro, Santo Tomas, Batangas.
Lubos namang nagpapasalamat ang Padre Pio Parish and National Shrine sa mga nauna nang nagpaabot ng tulong na nagpadala ng mga bigas, pagkain at tubig, at iba pang pangangailangan ng mga evacuees.
sa ngayon ay pumapalo na sa mahigit dalawang libo ang mga evacuees sa iba’t ibang Evacuation Center sa Sto. Tomas Batangas.