“National Summit on Crime Prevention”, pinangunahan ng mga opisyal ng Hudikatura at PNP

Manila, Philippines – Nagsama-sama ang mga taga-Hudikatura, Pambansang Pulisya at iba pang ahensya ng pamahalaan sa “National Summit on Crime Prevention” na nagsimula na ngayong araw.

Layon ng dalawang araw na summit na ma-assess ang kasalukuyang “crime situation” sa buong bansa.

Pag-uusapan din sa summit ang monitoring sa implementasyon ng mga prayoridad at proyekto ng gobyerno upang makabuo ng mga programa na makakatulong sa mga komunidad laban sa mga krimen.


Sa unang araw ng summit, dumating ang ilang matataas na opisyal ng National Police Commission, Department of Justice, Sandiganbayan at Korte Suprema.

Bukas naman ay dadalo sa summit sina Justice Secretary Menardo Guevarra, DILG Secretary Eduardo Año at Chief Justice Lucas Bersamin.

Bahagi rin ng summit ang workshops sa Criminal Justice System, at pagpapatupad ng batas, gayundin ang papel ng mga LGU maging ng media sa crime prevention.

Facebook Comments