National Task Force Against COVID-19, nag-refocus sa vaccination program ng bansa

Nag-refocus ang National Task Force Against COVID-19 sa vaccination program sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, sa halip na herd immunity, gagamitin na lamang ang terminong population protection.

Gagawin aniya ito sa pamamagitan ng mass immunization.


Paliwanag ni Cabotaje, layunin ng pamahalaan na mapigilan ang hospitalization at pagkamatay ng mga pasyente na nagpopositibo sa COVID-19.

“Ang ating term ngayon ay really “population protection”. We prevent hospitalization. We prevent and minimize deaths by prioritizing. And the bigger the population that is vaccinated, we have population protection so hindi magkakahawaan.” ani Cabotaje

Sa kabila nito, sinabi ni Cabotaje na kapag dumami na ang suplay ng bakuna sa bansa ay maaring maabot pa rin ng pamahalaan ang target na mabakunahan ang 70 milyong Filipino bago matapos ang taong 2021.

Facebook Comments