National Taskforce na lalaban sa iligal na droga bubuuin ni PRRD

Manila, Philippines – Planong maglabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang Memorandum circular na bubuo sa National Anti-Illegal Drug Taskforce.

Sa lecture kagabi sa Malacañang patungkol sa operasyon ng iligal na droga sa bansa at militarisasyon ay sinabi ni Pangulong Duterte na maituturing na National Security Issue ang iligal na droga sa Pilipinas.

Ang bubuuing taskforce ay ang mga pinagsamang puwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board (DDB) at iba pang ahensiya ng Pamahalaan.


Paliwanag ng Pangulo, nagsanib puwersa na ang mga sindikato ng iligal na droga at ang mga taga gobyerno na sangkot sa katiwalian.
Kaya naman sinabi ni Pangulong Duterte na para matuldukan ito ay kailangang pakilusin ang lahat ng makinarya ng pamahalaan at mga assets ng Gobyerno.

Inamin din naman ni Pangulong Duterte na hindi lamang iligal na droga ang kanyang inaalala kundi pati na rin ang pagpasok sa Pilipinas ng mga chemical explosives at mga armas.

Facebook Comments