National teams, naghahanda na sa “ASEAN Para-Games” sa Setyembre

Manila, Philippines – Naging makabuluhan ang pagdaraos ng first Philippine “Para-Sports Summit” sa Quezon City.

Sa pangunguna ng Philippine Sports Association for the Differently Abled o PHILSPADA – layon ng naturang summit na makapaghanap ng mga potensyal na sponsor para sa pambansang koponan.

Ayon kay PHILSPADA President Michael Barredo – ito’y para matuloy ang paglahok ngayong taon sa mga nakalinyang kompetisyon sa ibang bansa.


Sa ngayon – pinaghahandaan ng para-athletes teams at PHILSPADA ang “ASEAn para-games” na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Setyembre.

Samantala – kinilala rin sa okasyon ang tagumpay ng mga pinoy paralympians.

Dumalo naman sa nasabing summit – ang ilang miyembro ng National Sports Associations, NGO’s, government agencies at iba pang stake holders.
DZXL558

Facebook Comments