Oso, sumugod sa isang bahay sa Vial, Colorado para maghanap ng makakain at tumugtog ng piano

Manila, Philippines – Isang residente sa Vail, Colorado ang inakalang nilooban ang kanilang bahay.

Nang i-review ng may–ari ng bahay na si Katie Hawley ang kanilang security camera – laking gulat nito na isang oso ang sumugod sa kanilang bahay.

Ayon sa isang police officer, nakita nila ang isang itim na oso na pumasok sa bahay ni Katie at makikitang paikot-ikot ito.


Ikinagulat din ng mga otoridad at ni Katie nang makita ang oso na ilang beses nagpatugtog ng piano habang nakatingin sa bintana.

Bukod dito, hindi pa nakontento ay binasag pa ng oso glass door ng kusina at naghahanap ng pagkain.

Pagkatapos nito ay agad ding umalis sa bahay ni Katie ang oso at hindi na ito matagpuan.

DZXL558

Facebook Comments