Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Technical Vocational Day isinagawa kahapon sa Dagupan City People’s Astrodome ang World Café of Opportunities bilang pagbibigay serbisyo sa mga graduate sa ilalim ng Technical Eductaion and Skills Development Authority at iba pang mga naghahanap ng trabaho sa buong Region 1.
Ayon kay Cariza Dacuma, Director III ng Pangasinan ang World Café Opportunites ay daan upang magbigay ng trabaho at trainings sa publiko lalong lalo na ang mga graduate ng Technical Vocational Courses.
Kabilang ang iba’t – ibang kompanya, private organizations at ahensya ng gobyerno ang nagkaisa upang maging matagumpay ang WCO. Samantala, higit 800 ang aplikante na naserbisyuhan ng WCO at 83 dito ang Hired on The Spot. Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 7, 2018 ang Republic Act No. 10970 ang National Technical Vocational day sa bansa.
Photo Credit : TESDA Pangasinan