National Telecommunications Commission, inalerto ang mga regional directors para sa Undas 2017

Manila, Philippines – Inalerto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng regional directors ng ahensiya upang magtulung-tulong para matiyak ang kaayusan sa panahon ng Undas 2017.

Inatasan ni Commissioner Gamaliel Cordoba ang regional directors na makipag-ugnayan sa mga sangay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga civil action at amateur groups na maglulunsad ng assistance operations.

Dapat din alamin ng mga ito kung anong tulong ang pwedeng maibigay ng ahensiya para mas maging epektibo ang assistance operations sa kanilang nasasakupan.


Dagdag pa ni Cordoba, handa ang NTC na magbigay ng pansamantalang permit at lisensya sa communication groups na mangangailangan nito upang maging mas malawak ang assistance operations, lalo na para sa mga uuwi sa mga lalawigan.

Facebook Comments