iFM Laoag – Isasagawa ngayong araw ang national convention ng Association of Tourism Officers in the Philippines o ATOP sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayun kay Provincial Tourism Officer Aian Raquel, aabot ng mahigit isang libong tourism officers sa buong bansa ang dadalo sa nasabing okasyon. Dahil dito, pusposan ang paghahanda ng probinsya lalong-lalona sa 23 bayan dito upang ipakita din ang mga iba’t-ibang tanawin at produkto sa lugar.
Ipapakita din ng Ilocos Norte ang mga makasaysayang lugar gaya na lamang ng mga simbahan na ginawa pa noong unang panahon gaya na lamang ng San Agustin Church sa bayan ng Paoay na kabilang sa UNESCO World Heritage site at Sta. Monica Church sa bayan ng Sarrat na tinaguriang may pinakamahabang isle mula pintuan hanggang sa altar nito.
Ipapasilip din ang mga naggagandahang windmills, rock formation ng mga bayan ng Burgos at Pagudpud kasama narin ang mapuputing buhangin sa gilid ng karagatan ng Ilocos Norte.
Ipapasubok din sa mga tourism officers ang sand-dunes adventure kung saan pwede silang sumakay sa 4×4 na parang nasa Sahara Desert.
Matitikman din nila ang mga hinandang pagkain ng mga Ilocano gaya na lamang ng Empanada ng Batac at ang mga exotic foods na matitikman lamang sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Magtatapos ang nasabing aktibad sa araw ng sabado oktubre 5 ngayong taon. Dito rin hihirangin pagkatapos ang Best Tourism Oriented Province na kung saan nanalo ang Ilocos Norte sa nagdaang taon.
Bernard Ver, RMN News