Manila, Philippines – Hindi kailangan ng media para lamang patunayan na legal ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) sa anti-illegal drugs operations.
Ayon kay National Union of Journalists of the Philippines acting Chair. Atty. Jo Clemente, maaring maalis ang pagdududang ito ng publiko kung tama naman ang kanilang ginagawa.
Anya, para mapatunayan na sensero ang PNP sampahan ng kaso ang mga pulis na mapapatunayang sangkot sa ilegal na gawain.
Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na kailangan isama ang media sa mga operasyon ng pulis, para mai-dokumento ng media ang hirap ng pagsasagawa ng operasyon laban sa mga drug suspects at maramdaman ang trabaho ng mga pulis.
Facebook Comments