National Vaccination Day, idineklarang special working day

Idineklara ng Palasyo ng MalacaƱang bilang special working days ang November 29 at December 1 kasabay ng tatlong araw na National Vaccination Days.

Habang pista opisyal ang November 30 na Bonifacio Day.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, magiging special working days ang nabanggit na mga petsa na naglalayong mas maraming mabakuhanang mamamayan laban sa COVID-19.


Aniya, ang mga magpapabakuna ay ituturing ng gobyerno na mga bayani dahil isinaalang-alang nila ang proteksiyon ng kapwa Pilipino laban sa virus.

Sa gagawing tatlong araw na National Vaccination Days, target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong Pilipino para mas maabot ang population protection laban sa COVID-19.

Facebook Comments