Suspek na pumatay kay Nolito Magallanes vice mayoral aspirant sa Cavite, sumuko na

366

Sumuko na sa pulisya ang suspek na bumaril at pumatay kay vice mayoral aspirant Nolito Magallanes.

Ang suspek ay si Robert Amoranto na ngayon ay nasa kustodiya na ng General Trias Police Station.

Matatandang noong November 16 ng gabi, nauwi sa pamamaril ang pagtatalo ni Amoranto sa kanyang kumpare at kaibigan na si Magallanes habang nasa inuman kasama ang iba pang kaibigan sa Lavanya Subdivision Barangay Bacao 2, General Trias City, Cavite.


Ayon kay General Trias Chief of Police Lt. Col. Norman Rañon, sinabi sa kanya ni Amoranto na napahiya at sobrang galit ang kanyang naramdaman kay Magallanes kaya nagawa ang krimen.

Facebook Comments