National vaccination day, itinakda sa huling linggo ng Nobyembre

Iminungkahi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang ‘National Vaccine Day’ na isagawa mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Ayon kay Galvez, nais nilang itaon ito sa National Heroes Day sa November 30.

Aniya, ang programa ay naglalayon na palakasin ang pagbabakuna sa bansa, lalo na sa mga lugar kung saan may mababang vaccination rate.


Tiniyak din ni Galvez na sapat ang supply ng bakuna sa bansa at maaari nang bigyang daan ang mass vaccination event.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang hanggang 77 milyong Pilipino para makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.

Facebook Comments