NATIONAL VOLUNTEER MONTH KICK-OFF 2022 SA LINGAYEN, SINIMULAN NA

Sinimulan nito lamang Disyembre 1 ang National Volunteer Month Kick-Off 2022 na ginanap sa Lingayen, Pangasinan bilang bayan na naging punong abala ng nasabing National Event.
Nilahukan ito ng daan daang mga indibidwal mula sa National Government Agencies, National and Local Legislative Bodies, Local Government Units, Government-owned and Controlled Corporations, Constitutional Bodies, Private/Business Sectors, Bilateral and Multilateral Agencies, Academe, pati na rin ang International Volunteer Services Organization.
Nakilahok din ang ilang school institutions na mula sa lalawigan ng Pangasinan sa mga nauna nang aktibidad tulad ng tatak boluntir 2022, na sinundan agad ng Opening of the Christmas Bazaar na pareho namang ginanap sa Capitol Beachfront Baywalk.

Naging matagumpay ang pagsisimula ng National Volunteer Month Kick-Off 2022 kasabay ang paglagda ng Memorandum of Understanding Ceremonial Signing between the Provincial Government of Pangasinan and the Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency na siyang pangunahin at importanteng bahagi ng aktibidad.
Layunin ng National Volunteer Month Kick-Off 2022 na buhayin ang diwa ng Bolunterismo upang tuluyang makamit ang pag-unlad ng bansa.
Samantala, magpapatuloy naman ang mga inilatag na calendar of activities ng National Event na tatagal hanggang 28 ng Disyembre ngayong buwan. |ifmnews
Facebook Comments