MGA HIGANTENG CHRISTMAS TREE SA LUNGSOD NG ALAMINOS, PINAILAWAN NA

Pinailawan na ang dalawang higanteng Christmas Trees sa Peoples’ Park at Lucap Wharf hudyat ng pag-umpisa ng Holiday Season sa lungsod ng Alaminos.
Dinumog at sinaksihan ng daang daang kababayan sa Alaminos ang pagpapailaw sa mga higanteng christmas tree.
Pinangunahan ni Mayor Arth Bryan Celeste at First District Congressman Arthur F. Celeste, Mam Chloue C. Celeste, at mga ibang opisyales ng lungsod ang pagpapailaw sa Christmas trees.

Kinaaliwan rin ang fireworks display na inihanda at lalong nagbigay ng “Christmas vibes” nang pormal ng binuksan ang iba pang maniningning at nakakabighaning attractions tulad Christmas Bazaar, Dancing Lights, Christmas Village, Canvas Display, 3D Art at siyempre pa, ang Lucap Central Night Market.
Nagsimula ang buong selebrasyon sa pagdiriwang ng Misa ng Pasasalamat sa St. Joseph Cathedral Parish. |ifmnews
Facebook Comments