Hinimok nina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate at chairman Neri Colmenares ang Pangulong Rodrigo Duterte na pagtuunan na rin pansin ang nangyayaring monopolyo ng ‘power oligarchs’ sa distribusyon ng kuryente.
Kasunod ito ng pagsita ng Pangulo sa ‘concession agreements’ ng Maynilad at Manila Water kasabay ng pagbabanta na gobyerno na mangangasiwa sa water distribution.
Ayon pa kay Zarate, kailangan na ng komprehensibong ‘nationalized power plan’.
Sang-ayon Si Zarate kay Energy Secretary Alfonso Cusi na nagsabi na ang ‘yellow’ at ‘red alert’ warnings ay mga senyales ng pagnipis ng suplay ng enerhiya.
Dahil dito dapat nang simulan ang pagtatayo ng pansariling kapasidad.
Ayon naman kay Colmenares, dapat bisitahin muli ang Electric Power Industry Reform Act upang mapunta na sa gobyerno ang ganap na kapangyarihan na makapaglatag ng energy plan.
Mawawala na aniya ang umiiral na may kontrata ang mga Gencos para mag-deliver ng elektrisidad pero hindi nila naibigay.