Babae, gumamit ng ihi ng aso para makapasa sa drug test

3802
Urine sample

Tinangkang lusutan ng isang babae sa Kentucky, US, ang drug test sa pamamagitan ng pagsusumite ng ihi ng alaga niyang aso.

Arestado ang 40-anyos na si Julie Miller sa salang tampering with physical evidence.


Ayon sa Pineville Police Department, Lunes nang ipuslit ni Miller ang ihi ng aso para sa drug test na bahagi ng kanyang regular probation visit.

Nang madiskubre at komprontahin ng pulisya, umamin si Miller na ihi ng alaga ang ipinasa niya dahil alam niya raw na babagsak siya sa drug test.

Aminado ang babae na gumagamit ng methamphetamine (shabu) at painkiller na Subuxone.

Idinetina si Miller sa Bell County Detention Center at sinampahan ng parole violation at warrant para sa drug trafficking.

Facebook Comments